Wika Natin Ang Daang Matuwid: Tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2013
Pinangungunahan
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang temang Wika Natin ang Daang Matuwid
para sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto, alinsunod sa
Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
Kinapapalooban
ng tema sa taóng ito ang kapangyarihan ng wikang Filipino na tumatagos sa iba’t
ibang sektor ng lipunan at sa lahat ng uri ng pamumuhay. Nananalig ang KWF na sa
kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakaisa tayo dahil sa wikang Filipino¾ang
tinig ng ating kultura, kasaysayan at pagkatao. Dahil sa ating pagkakabuklod,
ito ang isa sa mga kasangkapan tungo sa bisyon ng matuwid na daan ng dangal at
kaunlaran.
Hinati
din ang pangkalahatang tema sa taóng ito sa sumusunod na diwa ayon sa medium
term plan ng KWF:
·
ANG WIKA NATIN AY
WIKA NG KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN
·
ANG WIKA NATIN AY
LABAN SA KATIWALIAN
·
ANG WIKA NATIN AY
SANDATA LABAN SA KAHIRAPAN
·
ANG WIKA NATIN AY
WIKA NG MABILISAN, INKLUSIBO AT SUSTENIDONG KAUNLARAN
·
ANG WIKA NATIN AY
WIKA SA PANGANGALAGA SA KALIGIRAN
Hinihikayat
ang madla na aktibong makilahok sa mga programang inihanda para sa taóng ito. Pinakatampok
sa Buwan ng Wika ang Pambansang Kongreso sa Wika na
gaganapin sa Agosto 19-21, 2013. Ang kongreso ay inaasahang daluhan ng mga
dalubhasa sa iba’t ibang larang upang talakayin ang mga napapanahong isyung
kinakaharap ng wikang Filipino at mga kapatid na wika nito sa bansa. Nagtipon
din ng mga programa at proyekto ang KWF para sa pagdiriwang sa taóng ito sa
paglulunsad ng opisyal na Pambansang Programa, mula sa iba’t
ibang mga pamantasan sa buong Filipinas. Kasama na rin sa hanay ng mga programa
ang timpalak sa pagsulat na Gawad KWF sa Sanaysay at ang parangal
sa Dangal
ng Wikang Filipino na kapuwa taon-taong nagpupugay sa mga indibidwal na
nag-ambag para sa pagyabong ng wikang Filipino.
Ang KWF ang natatanging
ahensiyang pangwika sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Itinatag sa
pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104 ng 1991, inaatasan itong “tiyakin at
itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang
pambansa ng Filipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Filipinas at iba pang
wika.”
Press Release: KWF
No comments:
Post a Comment